Miyerkules, Marso 16, 2011

balita 07

NAGBABANTANG TSUNAMI SA PILIPINAS


Dahil sa naganap na tsunami at lindol sa Japan ay nagbabadya ito na manalanta din sa Pilipinas. Ang ating bansa ay napakalapit lang sa Japan kaya nangangamba ang mga eksperto na baka tayo ay masalanta din ng tsunami na nangyari sa sa kanilang bansa dahil ito ay sa tubig. Ilang bahagi nga ng ating kapuluan ay nakadama na ng tsunami pero mapalad pa rin tayo dahil hindi naman ito masyadong malakas at hindi naman nakapaninsala ng buhay at ari-arian. Maging paglindol ay nagbigay ng babala sa ilang lugar sa Pilipinas. 
Hindi malayong tayo rin ay makaramdan ng ilang paghagupit ng kalikasan. Ang tangi na lang nating magagawa ay manalig at manalangin sa Panginoon na Siya ang maglayo ng mga kapahamakang ito sa ating bansa. Walang imposible sa Kanya at importante rin na huwag nating pabayaan ang kanyang mga ginawa. Hindi lang ang mga tao ang kanyang nilikha, lahat ng ating nakikita ay Kanyang nilikha at dapat lang na kung gaano natin kamahal ang ting mga arili ay ganun din tayo magpahalaga sa ating kapaligiran. Kung ating papangalagaan ang ating kapaligiran ay malaki naman ang kapakinabangan na ating makukuha dahil dito tayo kumukuha ng halos lahat ng ating mga pangangailangan lalo na ng ating mga kinakain. Minsan tayo na lang din ang nagdadala ng kapahamakan sa ating mga sarili. Ipinapakita lang ng ating inang kalikasan na sobra sobra na ang pang-aabusong ginagawa at patuloy nating ginagawa sa kanya.

balita 06

Krisis sa Pandaigdigang Ekonomiya at ang Epekto sa OFW


Dahil sa sunod-sunod na mga kaguluhan at trahedya sa iba't-ibang bansa, ang ating ekonomiya maging ang pandaigdigan ekonomiya ay unti-unting humihina o bumabagsak. Ang ating mga OFW ang pinakaapektado sa ganitong pangyayari sapagkat sila ang ating mga manggagawa na siyang tinatawag nating prodyuser. Unti-unti ng nawawalan ng trabaho ang ating mga OFW dahil sa mga pangyayaring ito ay napipilitan silang umuwi ng Pilipinas at iwanan ang kanilang trabaho. Hirap sila na magsimula ng bagong buhay dito dahil paghahanap pa lang ng trabaho ay napakahirap na. Mapalad sila kung makahanap sila pero maliit naman o di kaya ay hindi sapat ang kanilang kinikita para matustusan ang pangangailan ng kanilang pamilya. Hindi lang ang ating mga OFW ang naapektohan sa krisis na ito maging ang ating mga ordinaryong kababayan ay apektadong apektado rin lalo na sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil hindi naman tumataas ang kanilang kinikita upang mabila ang lahat ng kanilang pangangailangan sa pang-araw-araw. Ang krisis na ito ay isang pagsubok para sa atin kung paano natin makakayanan ang mga pagbabago at kakulangan sa mga pangangailangan. Sa pamamagitan din nito ay masusubukan natin kung paano tayo magiging malikhain sa pagkonsumo ng ating mga mapagkukunan. 

balita 05

PAGBABA NG BANTEHAN NG LANGIS SA MIDDLE EAST. 


Ang sinasabing pag-usbong ng giyera sa Middle East ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng bentahan ng langis. Isa ang Pilipinas sa mga bansang sinisupalyan nito ng langis. Kapag ito ay nangyari, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng presyo ng gasolina na makakaapekto sa presyo ng pamasahe na hindi malayong tumaas kapag ang presyo nito ay nagmahal. 
Ipinapakita nito na dapat ang pamahalaan ay mag-isip ng mga bagay na maaaring maging alternatibong kapalit ng gasolina upang kahit maubusan man tayo ng gasolina ay hindi tayo mauubusan ng pagkukunan ng langis. Marami na tayong mga Pilipinong imbentor na nakaimbento ng mga alternatibong pwedeng ipalit sa gasolina ang kulang na lang ay ang suporta ng pamahalaan upang magkaroon ng garantiya ang paggamit nito. Ang ating likas na yaman ay isa sa napakamayamang mapagkukunan natin ng mga yaring produkto hindi lang natin sinasiliksik ang mga pwedeng pa nitong maitulong sa ating mga pangangailangan.

balita 04

 PAGSASAPRIBADO NG MRT AT LRT PINAGDEDESISYONAN NA. 


Pinagdedesisyonan na ng ating pamahalaan na ang MRT at LRT ay ibenta na at gawing isang pribadong kompanya na. Ang pagasapribado ng nasabing mga kompanya ay balak gawin ng pamahalaan upang hindi na ito makisabay sa pagtaas ng presyo ng pamasahe sa mga pampublikong mga sasakyan. Ang malilikom nilang pera mula sa nasabing pagbebenta ng kompanya ay siya namang gagamitin ng ating pamahalaan upang maging pondo sa iba pa nitong mga proyekto. Kapag naging matagumpay ang paggamit nila sa pondong iyon ay muli nilang bibilhin ito at sinisigurado nila na bababa na ang pamasahe sa LRT at MRT. 
Ang nasabing pagsasapribado ay isa lamang pagpapakita na ang pamahalaan ay gumagawa ng mga paraan upang tayong mamamayan ay mahirapan lalo na't ang sahod ng mga manggagawa ay hindi naman nagtataas. Ipinapakita rin nito na ang pamahalaan ay dapat ng mag-isip ng mga alternatibong paraan ng hindi na ito umaasa sa pagbebenta na lang mga kompanyang pagmamay-ari ng ating pamahalaan.

balita 03

LINDOL SA NEW ZEALAND 


Ang Christian Church ang isa sa pinakamalawak ang pinsalang natamo ng magkaroon ng paglindol sa New Zealand. Marami sa kanila ang nadaganan o nabaon sa mga gumuhong gusali lalong lalo na ang mga taong nagtratrabaho sa loob ng mga gumuhong gusali nung nangyari ang paglindol. Marami din tayong mga kababayang Pilipino na nasama sa nasabing pagguho. Lahat ng gusali maging ng mga kalsada ay nasira nito. Marami sa kamag-anak ng mga Pilipinong nagtratrabaho dito ay labis na nag-alala at bantay na bantay tungkol sa mga bagong balita at kung sino ang mga natagpuan na. Sa kasalukuyan ay nagsisimula na muli ang New Zealand at inaayos ang mga nasirang gusali at mga kalsada. 

balita 02

DISASTER SA JAPAN 


Malaki ang naidulot na pinsala ng nangyaring tsunami at lindol sa Japan. Walang nasirang mga gusali dahil sa mapakagandang kalidad ng kanilang paggawa gayundin ang kanilang mga kagamitan. Mapalad sila kung tutuusin pero dahil sa nangyari ay nakakaranas na sila ngayon ng kakulangan sa pangunahin nilang mga pangangailangan.
Kompleto na sila sa kaalaman lalong lalo na sa kaalaman sa teknolohiya pero maaaring sa salita ng Diyos ay kapos o maaari ngang wala silang nalalaman tungkol sa Kanya. Kaya anuman ang yaman at talino na kanilang tinataglay ay hindi nila madadala kapag sila ay namatay o kaya naman ay makaranas ng kahirapan ngunit ang nagagawa ng pananalig sa Diyos ay mas makapangyarihan o mas epektibo pa kaysa sa mga bagong kagamitan na kanilang naiimbento. 

balita 01

SIGALOT SA LIBYA 


Madami tayong mga kababayan na naapektohan sa nangyaring kaguluhan sa Libya. Nakakalungkot isipin na marami sa kanilang mga pinagtrabahohan ay napunta lang sa wala dahil lahat ng ito ay sinira ng nasabing kaguluhan. Sa kabila ng grabeng kaguluhan ay hindi man lang naawa sa mga inosenteng indibidwal ang kanilang Presidente at ayaw pa ring bumaba sa kanyang posisyon na siyang naging dahilan kung bakit nagkagulo sa kanilang bansa. Ang ating pamahalaan ay kinakitaan ko ng pagiging responsable sa nasabing giyera. Madami sa ating mga opisyal ang siyang nanguna sa pagpapalikas sa ating mga manggagawang Pilipino. Inaasahan ko na sa pamamagitan ng kaguluhang ito makita ng ibang bansa lalo na ng mga namumuno sa pamahalaan na ang boses ng mamamayan ang siyang laging importante at nawa maglingkod sila ng tapat ng hindi magrebelde laban sa kanila ang kanilang mga nasasakupan.